Pabaon

Ikaw na daw ang huli.
Huli pansamantala.
Ikaw ang nagsara ng nakaraang taon,
Ngunit hindi laan na manatili ka sa ngayon.

Marahil,
Ang mga ala-ala ko sayo’y isang pabaon. Marahil ay sasabakin ko pa rin ang taon’g ito na na mag-isa.
Hindi pa siguro panahon.
Kung kailan, hindi ko alam.
Kung sino, aabangan ko na lang siguro.

Kaya ko naman.
Kinaya ko naman ng sampung taon.
Ano ba naman ang isa pa?
Ayoko na muna.
Ayoko nang maghanap ng bubulabog sa buhay ko,
Pansamantala.

Hyde park sydney

Advertisements

Tula paminsan-minsan: Ang tula ng ngayon

Itigil na
Ang mga guni-guning
Bumubuyo sa isipan
Pigilan ang damdaming
Walang patutunguhan
Kaunti lang ang oras,
Ang ngayon ay makapangyarihan
Ang bukas, ‘di siguradong masisilayan

Huwag nang isipin
Ang mga bagay na walang kabuluhan
Sayang ang oras
Ipikit ang mga mata’t
Burahin sa iyong isipan
Ang buhay mo’y iyo
At hindi kanino man

Itigil na’ng
Pag gising sa araw-araw
Na iisa ang laman ng isipan
Kung ‘di mangyayari
Kailanman
Na puso niya’y ikaw ang laman
Isa lang ang nararapat na gawin –
Siya ay tuluyan nang kalimutan